TACURONG CITY, Sultan Kudarat - Isang 58-anyos na ginang ang tinaga ng kapitbahay nitong binata makaraan ang mainitan nilang pagtatalo sa Purok Katilingban sa Barangay San Pablo, Tacurong City, mag-aalas diyes ng gabi nitong Enero 19.

Sa ulat ni PO1 Gerald San Pedro, nagtamo ng isang malalim na taga sa likurang bahagi ng ulo si Sheryl Sison y Federico, 58, biyuda, ng Diaz Compound, Purok Katilingban, Bgy. San Pablo, mula sa itak ni Fernando Gilaran y Edip, 29, binata, kapitbahay ng biktima.

Ayon sa pahayag ng ilang nakasaksi sa pangyayari, nagtalo ang dalawa hanggang umuwi si Gilaran para kumuha ng itak at pinagtataga ang ginang.

Naaresto ang suspek.
National

405 sa 677 umano'y benepisyaryo ng confi funds ni VP Sara, walang record of birth sa PSA