Nabawi na ang getaway car ng Gapos Gang na nangholdap at tumangay ng P132,000 salapi at mga kagamitan sa isang dental clinic sa Quezon City, iniulat ng pulisya kahapon.

Sa report ni P/Supt. Segundo Lagundi, hepe ng Batasan Police Station 6, dakong 11:00 ng umaga kamakalawa nang pasukin ng apat na armadong lalaki ang dental clinic ni Dra. Paulina Sicat, 53, ng J.P Rizal, Capitol State Subd., Batasan Hills, Quezon City.

Sa pahayag ni Dra. Sicat sa pulisya, tinutukan siya ng baril at ang kanyang sekratarya na si Corason Geocanica, iginapos at tinangay ang kanyang bag na naglalaman ng P80,00 cash, iPhone, MyPhone Nokia phone na nagkakahalaga lahat ng P37,000 at mga ATM card na may lamang P20,000. Tumakas ang mga suspek sakay ng tinangay na itim na Toyota Fortuner (TQD– 883) na nakaparada sa tapat ng klinika.

Sa follow-up operation ng mga operatiba ng QCPD PS 6 sa pamumuno ni P/Supt. Lagundi, dakong 2:00 ng hapon ay nabawi nila ang tinangay na Toyota Fortuner sa Kapalaran St., Bgy. Commonwealth, Quezon City.

Kapatid ni Jay-el Maligday na pinaslang umano ng militar, nanawagan ng hustisya