BAGUIO CITY - Masusing nagiimbestiga ang Baguio City Police Office para agad na matukoy ang mga suspek sa pagpatay sa isang estudyante at pagkakasugat ng isa pa sa rambulan noong Lunes ng gabi sa city market sa siyudad na ito.

Kinilala ng pulisya ang napatay na si Gary Aggudong Cuting, 22, habang sugatan naman si Kennon Jay Cabbigat Dinangan, 19, kapwa estudyante at tubong Banaue, Ifugao at nakatira sa Honeymoon, Holyghost sa Baguio City.

“Pinaiimbestigahan ko na ang kasong ito para makilala ang apat na suspek, kabilang ang isang babae, na pawang teenagers at responsable sa pagkamatay ng biktima,” ayon kay Senior Supt. Rolando Miranda, officer-in-charge ng Baguio City Police Office.

Sa imbestigasyon, dakong 11:30 ng gabi noong Enero 19, nanggaling sa isang videoke bar ang dalawang biktima at naglalakad sa harapan ng tindahan ng prutas sa Baguio City Market sa Upper Magsaysay Avenue nang nadaanan nila ang mga suspek.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ayon sa pahayag ni Dinangan, hindi sinasadyang nasipa ni Cuting ang isa sa mga suspek at isa sa mga ito ang sumunod sa mga biktima at tatlong beses na sinaksak ng ice pick si Cuting.

Nasaksak din ng ice pick sa batok si Dinangan pero mabilis itong nakatakbo at humingi ng tulong sa pulisya, na bagamat mabilis na nakaresponde ay hindi na naabutan ang mga suspek.