IBINAHAGI ni Anton Zaslavski o mas kilala bilang DJ Zedd sa Instagram ang larawan ni Selena Gomez na nasa kama at tumatawa habang sila ay nag-uusap sa FaceTime noong Linggo, Enero 18.

“’Oh hi derrling...” - The Room,’” pahayag ni Zedd, 25, kanyang inilagay bilang caption. “#TheRoom #theRoom #THEroom #theROOM.”

Sa nasabing larawan, si Gomez ay nakahiga sa kanyang kama at nababalot ng kumot na nagtatakip sa kanyang camisole. Ang singer, 22, ay tumatawa at tinatakpan ang mukha gamit ang kanyang palad habang si Zedd ay napangiti sa kanyang reaksiyon.

Ang nasabing larawan ay ibinahagi ni Zedd isang oras matapos ipahayag ni Gomez ang kanyang nararamdaman para kay Zedd gamit ang kanyang Instagram account na may 21.4 million followers.

First Lady, unang hinanap si PBBM matapos panoorin Hello, Love, Again<b>— Alden</b>

“Missing la and this punk, just a little tonight,” pahayag ni Gomez. “Shooting starts soon!! Eeeeekkkk -- Fundamentals of Caregiving!!”