Iniimbitahan ang lahat ng local cycling clubs at individuals sa Road Bikers of Carmona (ROBIC) 4th Carmona Day Foundation Bike Challenge 2015 na papadyak sa Pebrero 21 sa Carmona, Cavite.
Hangad ng karera na makakalap ng pondo na mapupunta kay Rev. Fr. Jovargas Vergara ng Helping Hand Foundation para itulong sa mga may sakit na cancer, scholarship ng mga mahihirap ngunit matatalinong estudyante at mga nabiktima ng bagyong ‘Yolanda’ noong 2013.
Itataguyod ng mag-asawang sina Carmona-Silang-GMA Cong. Roy at Carmona Mayor Dahlia Loyola, nakataya sa isang araw na padyakan ang P15,000 cash prize para sa mga mananalo sa men’s open, women’s open, 18-anyos pataas, CARSIGMA resident at MTB.
Ilan sa mga opisyal ng ROBIC na magpapatakbo sa bikefest ay sina Pastor Fermin Espino, chairman; Bing Orfano, president, Carlito de Leon, vice president at Rollie Palomuque, secretary.
Bawal sumali ang mga dating miyembro ng national team, tour champions at maging mga kasapi ng dating trade teams para mabigyan nang parehas na laban ang lahat at makatuklas ang bayan ng bagong talento sa sport.
Aayuda rin dito ang Office of the Municipal Sports Development, Carmona Municipal Council, CARTMO, PNP Traffic Management Group, Municipal Health Office, GSO Red Cross at HHF.
Tinatanggap na ang registration nina Orfano na makokontak sa 09154200292, Pastor Espino sa cp. 0917526 2196, at Fr. Vergara sa mobile 09055431694.