Dahil sa pagkagumon sa ipinagbabawal na gamot, tinuldukan ng isang vendor ang sariling buhay matapos itong magbigti sa loob ng kanyang bahay sa Malabon City, kahapon ng umaga.

Sa report ni SPO1 Edcel Dela Paz, ng Station Investigation Division (SID) ng Malabon City Police, kinilala ang biktima na si Nanding Paragas, 29, ng Phase 2, Damata, Bgy. Letre, Tonsuya, ng nasabing lungsod.

Ayon kay SPO1 Dela Paz, gumamit ng nylon cord si Paragas sa pagbibigti.

Kuwento ni Ann Peralta, 33, asawa ng kapatid ni Paragas, bandang 7:00 ng umaga nang makita nito ang bayaw na nakabitin sa hagdan ng ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25

Humingi ng tulong si Peralta sa mga kapitbahay at pinagtulung-tulungan nilang ibinaba ang labi nito, subalit matigas na ito at wala nang buhay.

Hinala ng ginang, hatinggabi nang magpakamatay si Paragas.

Nabatid na lulong na sa bisyo ang biktima at nahihiya umano ito sa kanyang pamilya kaya nagpatiwakal.