Cabagnot-Banchero-619x492

Utakan nga ba ang laban o kung sino ang higit na may itatagal?

Ito ang isa sa mga katanungan na nakatakdang mabigyan ng kasagutan bukas sa winner-take-all Game Seven ng finals series sa pagitan ng San Miguel Beer at Alaska para sa titulo ng PBA Philippine Cup.

Ang pagkapagod, dahil na rin sa paspasang larong ginagawa ng Aces, ang nakikitang isang dahilan ni Alaska coach Alex Compton kung kaya nakuha nilang itabla ang serye sa 3-3 sa pamamagitan ng 87-76 panalo nila sa Game Six.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“The big thing for us was the minutes that their guys had to play,” ani Compton. “When you play against a team that plays the way that we do, nakakapagod talaga.”

“I really think that as athlete, you tire sometimes and I thought that let them miss some shots and not making plays they normally make,” dagdag pa ni Compton.

Sinang-ayunan naman ito ni coach Leo Austria ng Beermen, ngunit naroon din ang kanyang pag-amin na may halong sobrang tiwala ang kanyang mga manlalaro sa nakalipas na laro.

“Maybe tama ‘yung iba na napagod, ‘yung mga player namin,” ani Austria. “Siyempre you’re aiming for the championship medyo mataas ang adrenaline at emotions,puwedeng naubos agad. Then we were running out of fuel sa second half kasi makikita naman ‘yung Alaska, from start to finish hindi nagbago ang intensity nila. At saka medyo naging complacent din kami when we’re leading.”

“It’s a matter of mental approach. It’s mind over matter,” ayon pa kay Austria.