popefrancisdeparture_villamor_19_varcas_200115-banner-photo-446x500

Umapaw ang pasasalamat ni Pope Francis sa mga Pinoy dahil naging matagumpay ang kanyang pagbisita sa Pilipinas nitong Enero 15-19.

Dakong 10:00 ng umaga nang umalis sa Villamor Airbase sa Pasay City ang Papa pabalik sa Rome, Italy lulan ng isang special flight ng Philippine Airlines na tinaguriang “Shepherd One.”

Sa pulong balitaan matapos ang pag-alis ni Pope Francis sa Villamor Airbase, sinabi ni Papal Nuncio Giuseppe Pinto na nais ipaabot ng Santo Papa sa mga Pinoy ang taos-puso nitong pasasalamat sa mainit na pagtanggap ng mga ito sa kanya sa Pilipinas.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Thank you, in the name of Pope Francis,” pahayag pa ni Pinto.

Sa kanyang panig, tiniyak naman ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na ipatutupad nila ang mga mensahe ng Santo Papa sa mga Pinoy.

Hinimok din ng Cardinal ang mamamayan na pagnilayan ang mensahe ng Santo Papa at isabuhay ito.

Pagmamahal at respeto ng milyun-milyong Pinoy, na hanggang sa mga huling sandali ng kanyang pananatili sa Maynila ay nag-abang pa rin sa ruta ng papal convoy mula sa Apostolic Nunciature hanggang sa Villamor Airbase, ang ipinabaon ng mga ito kay Pope Francis sa pag-uwi niya sa Rome.

Bagamat napagod sa kanyang hectic schedule noong Linggo—simula sa University of Sto. Tomas sa umaga hanggang sa pangunguna sa misa sa Quirino Grandstand sa hapon, fresh na fresh pa rin ang itsura ng lider ng Simbahang Katoliko sa kanyang pamamaalam sa mga Pinoy kahapon.

Pinangunahan ni Pangulong Benigno S. Aquino III, mga miyembro ng gabinete, mga obispo at mga pari ang paghahatid sa Santo Papa sa Villamor Airbase.