SA kanyang huling gabi sa Pilipinas, nakipagkta si Pope Francis sa kanyang mga kapatid sa Society of Jesus, ang Jesuit Order. Nang tanungin tungkol sa kanyang impresyon sa mga Pilipino, sinabi diumano niya na mayroon silang malalim na dignidad.

Sa limang araw na siya ay nasa ating bansa, nakasalamuha ni Pope Francis ang mga Pilipino at natuklasan niya na sila, una sa lahat, ay nagniningning sa saya, masayang-masaya, at nag-uumapaw sa kagalakan sa kanilang pagsalubong sa kanya. Pagkatapos ay nakita niya ang tahimik na mga luha ng mga nakaligtas sa super-typhoon Yolanda sa Leyte, nang sa wakas ay tuparin niya ang kanyang pangako na dadalawin sila, ang pangako na binitawan niya isang taon na ang nakalipas matapos manalasa ang Yolanda. ”I am here,” aniya. At tunay na ang kanyang presensiya ay humaplos sa kanila at binasbasan sila.

Nakita niya sa mukha ng isang umiyak na batang babae, isang dating batang kalye, nasa kanyang harapan sa kanyang pakikipagpulong sa mga kabataan sa University of Santo Tomas campus, ang problema ng kahirapan at ng mga bata sa bansang ito at maraming iba pang mga lugar sa mundo. Bakit nagdurusa ang mga bata, tanong niya, pagkatapos ay nangilid ang kanyang mga luha. Sinabi ng Papa na wala siyang sagot, ngunit ang mga Kristiyano, sinabi niya, ay dapat na matutong umiyak para sa mga taong nagdurusa sa mga pang-aabuso at pagkatapos ay upang tumulong at magbahagi ng kung ano ang mayroon sila. Sa kanyang huling Misa sa Luneta, pinuri ni Pope Francis ang Pilipinas bilang nangungunang bansang Katoliko sa Asia at ang mga Pilipino, sinabi niya, ay may bokasyon na maging mga misyonaryo ng pananampalataya sa rehiyon.

Maaari nating maipagmalaki bilang isang mamamayan na nakasama natin ang Papa sa loob ng limang araw ng mga makahulugang tagpo, sa gitna ng ulan habang papalapit ang isang bagyo, sa malalaking pulong na dinaluhan ng napakaraming tao, habang napapanatili ang kayusan hindi lamang sa pamamagitan ng mga pwersa ng seguridad ngunit sa pamamagitan din ng libu-libong mga boluntaryo.

National

Zamboanga del Norte, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol; Aftershocks at pinsala, asahan!

Walang duda na ang Papa ay magkakaroon ng walang pagkupas na impresyon ng kanyang pagbisita sa ating bansa. Nakilala niya sa ating mga pambansang opisyal sa Malacañang at ang ilang mga lokal na opisyal sa Leyte, ngunit sa karamihan ng bahagi, ang kanyang pakikisalamuha sa mga tao, dahil ito higit sa lahat ay isang pastoral na pagbisita.

Tayo rin ay magkakaroon ng walang pagkupas na impresyon kay Pope Francis, na tila hindi napapagod sa pagkaway at panggiti at pagbasbas sa libu- libong nagtitipon sa mga ruta ng kanyang mga motorcade. Siya ay kaisa ng mga tao saanman niya sila makita – nakasuot ng parehong uri ng raincoat gaya nila sa Misa sa Tacloban City, handang tumawa kasama ang iba't ibang madla sa kanyang sariling biro, nararamdaman ang pighati at luha ng mahihirap, at nakikibahagi sa kagalakan ng presensya ng isa't isa.

Higit sa karangalan na matagumpay na maging host ng isang papal visit, umaasa tayo na ang ating mamamayan at ang ating mga opisyal ay isapuso ang apela ni Pope Francis para tulungan ang mahihirap, wakasan ang katiwalian, at pagtibayin ang kalahalagahan ng pamilya, at para sa kanyang panawagan na ang mga Pilipino ay maging mga misyonaryo ng pananampalataya sa Asia at sa buong mundo.