Muling nagpasalamat si Deputy Director Leonardo Espina, officer-in-charge ng Philippine National Police (PNP), sa mamamayan sa kooperasyon ng mga ito sa pulisya sa matugumpay na pagdalaw ng Santo Papa sa bansa.

Sa kabuuan, walang nangyaring malaking krimen sa Metro Manila at sa mga kalapit na lalawigan sa limang-araw na pagbisita ni Pope Francis simula nitong Huwebes hanggang kahapon.

Ayon kay Espina, nakatulong nang malaki sa seguridad ni Pope Francis ang kooperasyon ng taumbayan sa pulisya.

Bagamat may ilang insidente ng pandurukot at pagdakip sa may dalang armas at patalim sa ilang lugar na pinagdausan ng malalaking pagtitipon para sa Santo Papa, walang malaking krimen na naitala ang pulisya na Metro Manila.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Maging sa Tacloban City, Leyte at sa kalapit na mga lalawigan nito ay zero-crime rin sa nakalipas na limang araw.