ORLANDO, Fla. (AP)– Walang kuwestiyon na dumaan sa mga paghihirap ang Oklahoma City Thunder sa kanilang mga biyahe ngayong season.

Ang kanilang pagpapakita laban sa Magic ay maaaring isang malaking hakbang upang mabago ito.

Naglista si Kevin Durant ng 21 puntos, 11 rebounds at 8 assists, at sinagasaan ng Oklahoma City ang Orlando, 127-99, kahapon.

Nagtapos si Russell Westbrook na may 17 puntos at 6 assists, at nag-ambag naman sina Serge Ibaka at Dion Waiters ng tig-16 puntos.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Hindi naghabol ang Thunder, at lumamang ng 38 sa kanilang pagputol sa four-game road losing streak. Sila rin ay nakagawa ng 57 porsiyento sa shooting sa una ng kanilang limang road games.

‘’We started the game with a lot of energy, a lot of effort, the defense was good and we passed the ball really well tonight,’’ sabi ni Durant. ‘’Everybody touched the ball. We were aggressive attacking the rim and we found the open jump-shooters. We can’t look too far down the road; we’re always worried about today.’’

Pinangunahan ni Victor Oladipo ang Orlando sa kanyang 23 puntos.

Nagdagdag naman si Elfrid Payton ng 19 puntos at 8 assists.

Naipamigay ng Magic ang franchise-record na 79 first half points patungo sa kanilang ikalawang sunod na pagkatalo. Ang Thunder din ang ikaanim na sunod na nakalaban nila na umiskor ng mahigit 100 puntos.

‘’I thought overall they just gave us an early punch,’’ saad ni Magic coach Jacque Vaughn.

Naging maganda rin ang ikot ng bola para sa Oklahoma City, nakakuha ng assists at 18-of-32 sa field goals. Apat na manlalaro ang umabot sa double figures sa opening minutes sa pangunguna ng 16 ni Durant.

‘’We did shoot extremely well, and we did play one of our best offensive games we’ve had all year. We were clicking on all cylinders this time,’’ ani Thunder coach Scott Brooks. ‘’We haven’t played well in our last three road games, but we came out with a road-trip mentality.’’

Resulta ng ibang laro:

New Orleans 95, Toronto 93

San Antonio 89, Utah 69