NEW YORK (AP) — Ang biglaang pagbuhos ng nagyeyelong ulan sa mga kalsada at sidewalk na nag-iwan ng icy glaze sa mga paa at gulong ng sasakyan sa halos kabuuang northeast noong Linggo ay nagdulot ng mga banggaan ng sasakyan na ikinamatay ng limang katao.

Nagkarambola ang 30 hanggang 50 behikulo sa Interstate 76 sa labas ng Philadelphia na ikinamatay ng isang tao, at dalawang iba pa ang namatay sa banggaan naman ng mga sasakyan sa karatig na Interstate 476, ayon sa pulisya. Sa northeastern Pennsylvania, isang lalaki ang namatay matapos bumaligtad ang kanyang sasakyan sa madulas at nagyeyelong daan, tumilapon ang lalaki at nasagasaan ng isa pang sasakyan. Sa Connecticut, isinisi ng mga pulis ang madulas na kalsada sa pagkamatay isang 88-anyos na babae na bumangga ang sasakyan sa isang utility pole sa New Haven.

“This is the worst type of winter precipitation to combat, because it can freeze instantly and it doesn’t need to be the whole pavement for vehicles crossing it to have problems,” ani Pennsylvania Department of Transportation spokesman Eugene Blaum.

Sa West Coast, nawalan ng kuryente ang libu-libong mamamayan dahil sa malakas na hangin sa Seattle area. Naiulat din ang ilang dosenang aksidente mula hilaga sa New Jersey hanggang sa timog sa New Hampshire noong Linggo at nagsara ang New York State Thruway mula sa Newburgh hanggang New York City noong umaga
Metro

Lalaki, pinagsasaksak sa dibdib dahil umano sa paggamit ng basketball court