Daan-daang aplikante ang inaasahang pipila sa dalawang araw na Manila Bulletin Classifieds Job Fair na magbubukas ngayong Martes sa Skydome ng SM North EDSA sa Quezon City.

May 22 kumpanya ang lalahok sa job affair, sa pangunguna ng platinum sponsor at BPO company na Concentrix. Higit sa mga posisyon sa mga industriya ng Business Process Outsourcing (BPO) at Knowledge Process Outsourcing (KPO), ang mga job hunter at maaari ring maghanap ng trabaho sa manufacturing, marketing, customer relations, manpower at information technology (IT), at iba pa.

Bukod sa Concentrix, naghahanap din ng mga bagong empleyado ang C3, Cognizant, EGS, Sitel, UnitedHealth Group, WNS Global Services, Inc. at Salmat Services. Maaari ring matuto ang mga aplikante mula sa industry experts na magsasagawa ng mga seminar sa career-building.

Ang mga mambabasa na ayaw pumila ay maaaring gamitin ang Express Pass form sa printed issue ng Manila Bulletin o magrehistro sa www.mbclassifiedjobs.com. Ang printed copy ng e-mail confirmation letter ay maaaring gamitin nang ilang beses bilang entry pass sa venue. Isang Job Fair Kiosk Directory din ang itatayo sa job fair.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ito ang second leg ng serye ng job fairs ng Manila Bulletin Publishing Corporation para sa 2015, kasunod ang matagumpay na eight-part job fairs noong nagdaang taon.

Ang MB Classifieds Job Fair ay magpapatuloy sa Cebu sa Enero 31.