Robin-BB-and-Rommel-copy (2)

KAHAPON na nag-umpisa ang mga bagong programa ng TV5 sa campaign nilang Happy sa 2015.

Isa sa mga inaabangan sa wave ng new shows ng TV5 ang 2 1/2 Daddies ng Padilla siblings na binubuo nina Robin, Rommel at BB Gandanghari kasama si Alice Dixson at si Ms. Celia Rodriguez, sa Sabado.

Sa Linggo, Enero 25 naman mapapanood ang Mac and Chiz nina Derek Ramsay, Empoy, Jojo Alejar, John “Sweet” Lapus, at Bianca King.

National

Sonny Angara, nagbitiw na bilang senador

Talent search naman ang concept ng Rising Stars na iho-host nina Ogie Alcasid at Venus Raj na hindi ginaya ang ibang singing contest ng ibang network.

Ang bonggang dance show naman na magsisimula sa Enero 25 na may titulong Move It ay pangungunahan nina Jasmine Curtis Smith at Tom Taus.

Napanood namin ang teaser ng Move It at pang-international ang dating ng programa, marami ang contestant na dating member ng mga kilalang dance group.

Bongga ang pilot ng Move It dahil madugo ang taping nito na kinunan sa mga kilalang lugar sa Binondo, Escolta at Pier.

Ang sikat na radio jack na mahusay mag-advice pagdating sa pag-ibig ay mapapanood na sa telebisyon, si Papa Jack na may titulong Call Me Papa Jack, simula sa Sabado, Enero 24, 10 PM.

Gabi-gabi namang mapapanood ang Wattpad na nagsimula kagabi na may titulong Trip in Love or Fall in Love nina Eula Caballero at Bret Jackson hanggang Enero 23.

Sa Enero 26 hanggang 30 ang episode nina Mark Neumann at Shaira Mae na may titulong I’m in Love with a Dota Player.

Mapapanood naman sa Pebrero 2 hanggang 6 ang episode na Mistakenly Meant for You nina Isabelle de Leon at Carl Guevarra.

Si Jasmin Curtis Smith naman ang bida sa A House Full of Hunks na mapapanood sa Pebrero 9 hanggang 13.

Sina Hayden Kho at Dra. Edinell Calvario ang hosts sa Healing Galing na popular radio-show sa Radyo Singko.

Mga asawa ng mga kilalang basketbolista naman ang bida sa Happy Wife, Happy Life na sina LJ Moreno-Alapag, RR Enriquez, Jeck Conwi-Maierhofer, at Danica Sotto-Pingris na mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes sa ganap na 10:30 ng umaga simula kahapon.

Sina Gelli de Belen, Arnell Ignacio, at Atty. Mel Sta. Maria naman ang host sa Solved na Solved, ang programang magbibigay ng practical at legal solutions mga problema.