MELBOURNE, Australia (AP)– Ipinagpatuloy ng third-seeded na si Simona Halep ang malakas na umpisa sa kanyang taon sa pamamagitan ng 6-3, 6-2 panalo kontra kay Karin Knapp ng Italy sa unang round ng Australian Open kahapon.

Si Halep, na binuksan ang season sa pagwawagi sa Shenzen Open sa China, ay quarterfinalist sa Australian Open noong nakaraang taon at natalo sa eventual finalist na si Dominika Cibulkova.

Matapos ang palitan ng maagang service breaks, naselyuhan ni Halep ang unang set nang ma-break ang serve ni Knapp. Nakuha niya ang laban sa muling pag-break sa serve ng kalaban.

Ang 23-anyos na Romanian ay umangat sa rankings noong nagdaang taon, at pinakamataas niyang naabot ang No. 2 matapos manalo ng dalawang titulo at makatapak sa final ng French Open kung saan natalo siya kay Maria Sharapova.

National

PBBM sa Undas: ‘Let this day of memorial rekindle us to be better Filipinos’