Bumango ang ekonomiya ng bansa sa pagbisita ni Pope Francis, taya ng mga economic experts.

Ayon sa mga eksperto, hindi ang pagdami ng salapi kundi pagbalik ng tiwala ng mga investors upang ibuhos ang ipapasok na negosyo ang ibinunga ng Papal visit.

“I don’t think there is a clear economic boost brought about by the papal visit. What is good is that the Philippines gets into the news for the right reasons. A successful and peaceful visit seen globally is good for us. It also reminds investors about our country,” pahayag ng isang stockbroker, inihalimbawa ang pagtala ng record sa Philippine Stock Exchange noong Miyerkules na nailista sa 7,490.88 puntos.

Bumalik ang kalakalan sa stock market noong Lunes, kahit idineklarang special non-working holiday dahil sa papal visit.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“The successful visit of the Pope would shore up the country’s profile overseas and further boost the confidence of Filipinos,” pahayag ng mga eksperto. “It also bodes well for the country’s hosting of the Apec (Asia Pacific Economic Conference) Leaders’ Summit in November.”

Idinagdag ng mga eksperto na lalong babango ang bansa dahil naging mapayapa ang limang araw na papal visit na halos walang ang naitalang krimen.

“The Philippines is able to project itself as a modern, stable and safe place,” diin ng mga eksperto.