Julia-Barretto-copy

FEELING ni Marjorie Barretto ay ginagamit lamang ni Dennis Padilla ang kanilang anak na si Julia Barretto para mai-promote ang kinabibilangan nitong show o programa. Sa tuwing may proyekto si Dennis, nagbibigay ito ng pahayag tungkol kay Julia.

“He only does that ‘pag may promotion ng either pelikula or TV shows niya. He uses the name of his child. It’s fine, anak n’ya ‘yun, eh. Sana, ‘pag ginamit niya, ‘yung something positive naman,” may himig pakiusap na pahayag ni Marjorie tungkol sa kanyang estranged husband.

Kahit kailan ay puwede raw nitong gawing topic ang anak, huwag lang sana sa mga negatibo at sensitibong isyu.

National

Pag-aresto kina Guo, isang hakbang para masiguro kaligtasan ng PH -- Gatchalian

“He can talk about Julia and promote, but huwag niyang siraan ang bata. Kasi hindi naman niya alam kung gaano kahirap magtrabaho ‘yung bata, hindi na halos makatulog. My children are a product of a broken home and all of them are working hard for a better future.”

Maging ang kanilang anak na si Claudia ay nagsisimula na rin kasing gumawa ng pangalan sa modelling.

“They all work para mapabuti ‘yung generation nila sa amin na nauna sa kanila,” sey pa ni Marjorie.        

Pakiusap din ni Marjorie kay Dennis, huwag nang gawin ang isyu sa nalalapit na debut ng kanilang anak. Sa isang pahayag kasi ni Dennis, may nasabi ito na umaasa pa rin siyang maiimbita sa nalalapit na debut ni Julia.

“I’m very surprised nga bakit kailangan niyang i-bring up ‘yun. Of course, he is invited... understood ‘yun!” paglilinaw ni Marjorie. “Alam mo, sana hindi na lagyan ng intriga ‘yung debut kasi pinag-iipunan ng anak n’ya ‘yun, eh. She’s working hard, pinag-iipunan niya ‘yung debut niya. Huwag na lang haluan ng intriga.”

Naging bukas ang damdamin ni Marjorie sa kanyang pahayag na lubhang nasasaktan ang anak sa mga nagiging isyu sa kanilang mag-ama.