Tututukan ng Senado ang pagkakaroon ng mga batas na nakatuon sa pagpapalago ng ekonomiya sa pagbubukas ng sesyon ng dalawang kapulungan ngayon.

Ayon kay Drilon, ang 2014 ay nakatutok sa pagsasabatas ng mga serbisyo sa lipunan, kalusugan at edukasyon kaya dapat na ngayong taon ay ang pagpapalago naman ng ekonomiya ang pagtutuunan.

“In 2014, the Senate passed important legislation on social and health services, and education, such as the law on automatic Philhealth coverage for senior citizens, the Graphic Health Warning Act, and the Iskolar ng Bayan Act. This year, we are directing our efforts to the economic sector, to ensure that the nation’s progress will not be hindered by events in the local and global markets,” ani Drilon.

Prayoridad aniya, ang pagsasabatas ng Bangsamoro Basic Law, na nagsasagawa na ng mga pampublikong pagdinig, Build Operate Transfer Law, upang higit na mapalakas ang tambalan ng pribado at publiko, at pagrebisa ng mining law upang mabigyang proteksyon ang kapaligiran ng mga komunidad.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Our view is that we need to increase the government’s share from mining revenues, since it is imperative that the Filipino people must have their fair share in an economic activity such as mining, which involves the extraction of our natural, finite and limited non-renewable resources. The minerals are owned by the Filipino people, and not by those who have mining licenses,” dagdag ni Drilon.

Aniya, papalakasin din ang pagtutok sa mga ahensya ng pamahalaan para maging matatag ang operasyon nito. Kabilang dito ang pag-amyenda ng Customs Law upang maging moderno ang proseso at maiwasan ang katiwalian at mapalakas ang pagpasok ng pondo sa pamahalaan

“We will also act on the bill creating a Department of Information and Communications Technology that will be tasked to develop ICT systems and further enhance communication services vital to the country’s development,” paliwanag niya.