Humina at tuluyang naging low pressure area (LPA) na lamang ang bagyong ‘Amang’, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sinabi ni Gener Quitlong, weather forecaster ng PAGASA, na wala ring public storm warning signal (PSWS) na nauna nang itinaas sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Huling namataan, aniya, ang LPA sa bahagi ng Casiguran, Aurora.

Gayunman, magdadala pa rin ito ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Northern at Central Luzon.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Matatandaang pumasok sa Philippine area of responsibility (PR) ang nasabing bagyo noong Huwebes, ang araw ng pagdating sa Pilipinas ni Pope Francis.