Matapos ang 30 serbisyo sa gobyerno, nagretiro na kahapon si Supt. Rachel Ruelo bilang deputy chief ng Bureau of Corrections (BuCor) sa Muntinlupa City kasabay ng kanyang ika-65 kaarawan.

Nagretiro si Ruelo na may ranggong Superintendent IV sa posisyong officer-in-charge ng BuCor Office of the Assistant Director for Prison and Security at hepe ng Correctional Institution for Women.

Naging matunog ang pangalan ni Ruelo matapos siyang italaga ni Justice Secretary Leila de Lima bilang BuCor deputy chief bunsod ng pagkakadiskubre ng mga kontrabando, tulad ng droga, armas, alak, cell phone at iba pang gamit sa New Bilibid Prison (NBP).

Kinokonsiderang tunay na “Batang Bilibid” dahil lumaki sa NBP reservation area, si Ruelo ay pumasa ng bar examination noong 1979.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sumunod si Ruelo sa yapak ng kanyang ama na dati ring opisyal ng Bilibid.

Ayon kay BuCor Supt. Venancio Tesoro, nagsimula si Ruelo bilang deputy superintendent bago naitalaga bilang pinuno ng BuCor Legal Office.

“Easily, she was a celebrated officer, the pride of her co-workers and the toast of her clan in Bicol,” pahayag ni Tesoro.

Nang mabakante ang posiyon na Penal Superintendent IV, tinangka ng chairman ng selection board na iitsapuwera si Ruela dahil siya ay babae.

Subalit sinabi ni Tesoro na ipinaglaban niya na makuha ni Ruelo ang posisyon kaya kinalaunan ay inaprubahan ito ng board.

Sa termino ni Ruelo ay ginawaran ang Correctional Institution for Women bilang pinakamagaling at pinakamalinis na institusyon ng BuCor nang ilang taon hanggang ideneklarang “hall of famer” ito.

Isa sa pamana ni Ruelo ay ang pagtatatag ng CIW sa Mindanao noong 2007 na puspusan niyang isinulong.