GAWA NG TAO ● May nakapag-ulat na ang pinakamainit na temperatura ng ating daigdig ay naitala noong nakaraang taon at may ebidensiya umano na nilikha ng tao ang pagkasira ng klima sa pamamagitan ng pagsusunog ng krudo na ng bubuga ng greenhouse gases sa hangin. Ayon sa NASA at National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA), nangyayari na ang matinding epekto ng climate change at hindi na dapat magpatumpik-tumpik ang mga gobyerno sa daigdig sa pagbabawas ng polusyon sa hangin.

Ayon sa kanilang talaan, ang 2014 ang pinakamainit na temperatura at laganap ito sa halos lahat ng bahagi ng mundo. Anang NASA, malinaw na ang polusyon sa hangin ang responsable sa malaking bahagi ng climate change. At hindi naman nababawasan ang emisyon sa himpapawid kaya maaari umano nating asahan ang pag-init ng temperatura ng daigdig sa mga taon pang darating. Ang bagong datos na ito ay isang paalala na ang climate change ay hindi problema sa hinaharap; nangyayari na ang masamang epekto nito ngayon at hindi na dapat mag-aksaya ng panahon ang ating mga world leader sa kami-meeting, meeting nang meeting, para lang talakayin ang kailangang gawin. Isang polisiya lang: ang bawasan ang polusyon – sa hangin at sa kalikasan – ang dapat na ipatupad sa lahat ng bansa; patawan ng mabibigat na parusa ang lalabag sa polisya lalo na ang mga industriya ng plastic at mga barkong hindi mag-iingat na maiwasan ang oil spill, at higit sa lahat: Itigil na ang mausok at maapoy na selebrasyon ng Bagong Taon at pagsusunog ng basura at pagba-barbeque sa lahat ng bansa.

***

LABAN SA DIYOS ● Sa isang talumpati ni Pope Francis kamakailan hinggil sa mga debate tungkol sa climate change at kalikasan, sinabi niya na nilalabag ng tao ang panawagan ng Diyos na tayo’y maging tagapangalaga ng Kanyang mga nilikha kapag sinisira natin ang kalikasan. Bahagi ito ng talumpati ng Papa sa kanyang pakikipagkita sa kabataan sa UST. Hindi niya binasa nang buo ang kanyang talumpati at nangusap na lamang dahil naantig siya sa istorya ng inabandonang batang babae. "As stewards of God’s creation, we are called to make the earth a beautiful garden for the human family. When we destroy our forests, ravage our soil and pollute our seas, we betray that noble calling," anang talumpati. Makarating nawa ang mga pangungusap na iyon sa mga world leader.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras