Nagkasundo ang Manila Bulletin at ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa pagsusulong ng mas malawak na daan sa labor and employment education services (LEES) bilang suporta sa pagpapatupad ng mga pangunahing programa ng DOLE

“I am very proud of the Manila Bulletin’s support to the DOLE effort to effectively reach millions of workers and jobseekers with our LEES. With its high national readership and strong public influence, the Manila Bulletin is in a position to contribute greatly to making LEES accessible to a wide number of audiences,” pahayag ni Baldoz pagkatapos iulat ni Bureau of Labor Relations Director Benjo Benavidez na ang Manila Bulletin ay nakipagkasundo na maging katuwang ng DOLE - LEES.

Gagawin ng DOLE at Manila Bulletin ang pormal na pakikipagsosyo sa Enero 23 upang lumagda sa isang memorandum of agreement sa Labor Governance Learning Center, sa gusali ng DOLE sa Intramuros, Manila. “The convergence of the DOLE and the Manila Bulletin on this important program will further invigorate the mandate of our Bureau of Labor Relations to educate and provide knowledge on the rights and responsibilities of workers and employers, work ethics, values, skills and other relevant information,” ayon kay Baldoz.

Sa ilalim ng kasunduan, ang DOLE, sa pamamagitan ng Bureau of Labor Relations, ay regular na bibigyan ang website ng ManilaBulletin (mbclasssifiedjobs.com) sa mga pinakabagong impormasyon sa merkado ng paggawa at makatulong sa kanyang mga hinaharap na kaganapan at kampanya. Ipopost din ito sa iba pang website ng ahensiya sa MBClassifiedJOBS.com official logo at link.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ipo-promote ng Manila Bulletin ang LEES at iba pang mga programa at serbisyo kawanggawa ng gobyerno sa pamamagitan ng tatlong online na mga platform-Manila Bulletin online; mb.com.ph, at MBClassified.com. - Mina Navarro