Ni Ben Rosario

Saan kumukuha ng kakaibang lakas ang 78-anyos na si Pope Francis?

Mula sa mga nananampalataya at sa kanyang pananampalataya.

Ito ang dalawang bagay na nagbibigay ng enerhiya sa Papa upang labanan ang pagod dulot ng kanyang hectic schedule, tulad ng limang-araw niyang pagbisita sa Pilipinas.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Kapag nasilayan ang mga Pinoy na nananabik siyang masilayan at malapitan ay napupuno ng sigla ang Papa, ayon kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa punong balitaan noong Sabado ng gabi.

Bukod sa inspirasyon na nagmumula sa mga nananampalataya, sinabi ni Fr. Federico Lombardi, pinuno ng Papal Press Office, na ang malakas na pangangatawan ng Papa ay “regalo ng Diyos” para sa mga naglilingkod sa Simbahan.

Bagamat binibigyan si Pope Francis ng mahabang oras para makapahinga, sinabi ni Lombardi na paminsan-minsan ay sapat na ang dalawang oras na pahinga upang muling sumabak sa matinding schedule ang Papa.

Umulan man o umaraw, nananatiling maaliwalas ang persona ng Papa.

Habang sakay ng popemobile, ilang beses ding napaupo sa pagod si Pope Francis subalit tuwing makikita ang makapal na dami ng tao ay bigla itong napapatayo upang kumaway at basbasan ang mga sumasalubong.

“If Gods a particular challenge, God also gives you the way to do the challenge,” sinabi ni Lombardi, tungkol sa madalas na ibinibigkas ng Papa.