Nagpadala si Pope Francis, gamit ang Twitter na @Pontifex, ng kanyang ikaapat na tweet sa wikang Tagalog dakong 12:00 ng tanghali o ilang sandali matapos magbalik sa Apostolic Nunciature.

Nag-tweet ang Papa, matapos ang pakikipagpulong sa kabataan Pinoy sa University of Santo Tomas, na: “Bilang Kristiyano, miyembro ng pamilya ng Diyos, tinatawag tayo upang hanapin at paglingkuran ang lahat ng mga nangangailangan. (We who are Christians, members of God’s family, are called to go out to the needy and to serve them.)”

“We who are Christians, members of God’s family, are called to go out to the needy and to serve them,” dagdag niya.

Ang tweet sa Tagalog ay 3,414 na beses nang ni-retweet at tumanggap ng 3,927 favorites sa loob lamang ng 10 minuto nang ito ay ipaskil.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Simula nang dumating si Pope Francis sa bansa noong Huwebes para sa kanyang limang araw na pagbisita ay nagti-tweet na siya sa Tagalog.

Sa kanyang sermon sa pontifical, royal and Catholic university ng bansa, hinimok niya ang kabataan “[to] learn how to receive with humility…to learn to be evangelized by the poor.” - Armin Amio