KONKETIYAWA, Sri Lanka (AP) — Isang misteryosong sakit sa bato ang pumapatay sa mga magsasakang Sri Lankan. Ang unang kaso ay lumutang dalawang dekada na ang nakalipas sa North Central province ng bansa, ang pangunahing nagpoprodukto ng bigas.

Simula noong kumalat na ang sakit at pumatay na ng tinatayang 20,000 katao sa island nation sa Indian Ocean.

Isang mananaliksik ang nagtatrabaho upang malaman ang sanhi ng sakit, habang patuloy na nasusuri ng mga doktor ang mga bagong pasyente.

Sa isang pag-aaral ng World Health Organization, tinukoy ang cadmium, pesticides at iba pang dahilan, gaya ng arsenic, bilang posibleng sanhi ng sakit, ngunit walang malinaw na matutukoy na pinagmumulan nito.
National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3