Mga bata ngunit matapang na national team na mismong pamumunuan ni reigning champion at veteran Mark John Lexer Galedo ang magdadala sa kampanya ng bansa sa ika-6 edisyon ng pinakahihintay na Le Tour Filipinas na papadyak sa Pebrero 1 hanggang 4.

Si Galedo ang pinakamatandang miyembro ng PhilCycling national team, sa edad na 29, subalit sadyang subok na ito. Napagwagian nito ang Le Tour ilang buwan nang hablutin ang Myanmar 2013 Southeast Asian Games individual road race gold medal kung saan ay siya ang bestranked Filipino sa International Cycling Union Asia Tour rankings sa No. 67.

Makakasama ni Galedo para sa 2015 Le Tour na iprinisinta ng Air21 at co-presented ng MVP Sports Foundation at Smart ay sina Romald Lomotos, ang pinakabata sa edad na 20 at ranked No. 267 sa continent; George Oconer (No. 161), Incheon Asian Games veteran Ronald Oranza (No. 255) at Jun Rey Navarra, na pawing may edad na 22.

“These young riders are the future of Philippine cycling,” saad ni PhilCycling president at Tagaytay City Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, na idinagdag na ang riders ay ang potential bets ng bansa sa 2015 Asian Cycling Championships na gaganapin sa Pebrero 10 hanggang 14 sa Thailand.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Magbabalik din ang 7-Eleven-Road Bike Philippines sa Le Tour kung saan ang Victory Liner, San Mig Zero, Novo Nordisk Pharmaceuticals Phils. at Canon ang tatayong major sponsors, kung saan ay sasabak din ang foreign rider-laced squad. Ang koponan ay kinabibilangan ni Filipino Cris Joven, Spain’s Edgar Nohales Nieto at Angel De Julian Vasquez at The Netherland’s Kenny Nijssen.

Papangalanan pa ang ikalimang miyembrong kasama sa torneo.

Labindalawang continental teams at dalawang national squads ang umentra sa Le Tour, ang brainchild ng Air21 at PhilCycling chairman Bert Lina at inorganisa ng Ube Media.

Ang continental teams ay kinabibilangan ng Team Novo Nordisk (USA), ang unang professional cycling team na kinapapalooban ng riders na may Type 1 Diabetes, Taiwan’s RTS Santic Racing Team at Attaque Team Gusto, Thailand’s Singha Infinite Cycling Team, Australia’s Navitas Satalyst Racing Team, Brunei’s CCN Cycling Team, Indonesia’s Pegasus Continental Cycling Team, Malaysia’s Terengganu Cycling Team at Japan’s Bridgestone Anchor Cycling Team.

Ang Iran ay mayroong dalawang powerhouse continental teams sa karera na kaakibat ang Isuzu, MAN Truck and Bus, Viking Rent-A-Car at NLEX bilang road

partners. Ang mga ito ay ang Pishgaman Yzad Pro Cycling Team na pangungunahan ni 2011 champion Rahim Emami at Tabriz Petrochemical Team na gagabayan ni 2013 winner Ghader Mizbani at Asia’s No. 1 Mirsamad Poorseyediholakhour.

Isasabak din ng Kazakhstan at Uzbekistan ang kanilang national teams bilang preparasyon na rin para sa Asian championships.

Ang Le Tour ay bahagio ng UCI’s Asia Tour 2015 calendar kaalinsabay sa ika-60 taon ng multi-stage road racing sa bansa. Magsisimula ito sa Pebrero 1 sa 126-km Balanga-Balanga (Bataan) Stage One, susundan ng 153.75-km Balanga-Iba (Zambales) Stage Two, 149.34-km Iba-Lingayen (Pangasinan) Stage Three at 101-km Lingayen-Baguio City Stage Four.

Ang media partners ng Le Tour ay ang Manila Bulletin, Philippine Star, Philippine Daily Inquirer, Business Mirror, MultiSport Magazine, Sports Digest, Hola! Magazine, Panahon TV, PTV Sports, dzSR Sports Radio, OrangeFix at GMA-7.

Sinusuportahan din ito ng Philippine National Red Cross at local governments ng Balanga, Iba, Zambales, Lingayen, Pangasinan at Baguio City, kasama na ang Bureau of Customs at Immigration, at ang Departments of Foreign Affairs, Interior and Local Government, Health, Public Works and Highways, Manila International Airport Authority at Philippine National Police.