Nagtala ng bagong record ang libro ni Senator Miriam Defensor Santiago na “Stupid is Forever’’ bilang fastestselling book noong 2014, ayon sa National Book Store.

Inilunsad noong Disyembre 3, 2014, nabenta na ngayon ang lahat ng nailimbag na kopya ng libro ng senadora at ang hashtag na #StupidisForever ay nag-trend sa mundo sa unang araw nito sa merkado.

Sa ngayon, nakapagpa-reserve na ang maraming netizen sa National Book Store sakaling muling maging available ang libro, na inilarawan nila sa Facebook at Twitter bilang in demand.

Batay sa huling datos nitong Enero 11, 2015, nakabenta na ang “Stupid is Forever” ng 110,000 kopya mahigit isang buwan makaraang ilunsad ito.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Nanguna rin sa listahan ng bestsellers ng nasabing book store ngayong Enero ang “Stupid is Forever”—isang koleksiyon ng mga biro, one-liners, pick-up lines, comebacks, at speeches ni Santiago.

Tampok din sa libro ang mga illustration nina CJ de Silva-Ong, Manix Abrera, Elbert Or at Rob Cham.

Kaugnay nito, magdaraos si Santiago ng isa pang Meet and Greet para sa “Stupid is Forever” sa Huwebes, Enero 22, sa National Book Store Glorietta, 2:00-4:00 ng hapon. Ganap na 11:00 ng umaga magsisimula ang registration. - Mario B. Casayuran