Isang lalaki ang nahulog sa sapa habang naghihintay sa pagdaan ng convoy ni Pope Francis sa Quirino Avenue sa Pandacan, Maynila, kahapon ng tanghali.

Naghihintay sa convoy ang libu-libong tao sa lugar nang magkatulakan ang mga ito nang malapit na si Pope Francis pagsusumikap na makita nang malapitan ang Papa.

Pabalik na noon si Pope Francis sa Apostolic Nunciature mula sa University of Sto. Tomas, pasado 12:00 ng tanghali.

Sa gitna ng pagtutulakan ay nahulog sa sapa sa Quirino pagkalampas lang ng Pedro Gil Street, ang lalaking nakilala lang sa pangalang Tomas Dimaano.

National

Patutsada ni Hontiveros: Guo, nakakapag-Facebook pero 'di makaharap sa Senado

Masuwerte namang agad na naiahon sa sapa ang biktima sa tulong ng mga pulis na in-charge sa crowd control sa lugar.