TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Sa pamamagitan ng barangay chairman sa kanilang lugar ay kusang sumuko sa awtoridad ang lalaki na umano’y responsable kung bakit kritikal ngayon ang lagay ng isa niyang kainuman sa Purok Akasya sa Barangay New Passi, Tacurong City, kahapon ng umaga.

Ayon kay SPO1 Jasper Garcia, nasa pagamutan pa sa Isulan si Lito Diaz, nasa hustong gulang, at kinakailangan pa umanong dumaan sa maselang pagsusuri dahil sa tinamong pinsala sa ulo makaraang hampasin doon ng malaking kawayan.

Ang pananakit ay inamin ni Richie Disipulo y del Rosario, 24, binata ng nasabi ring lugar.

Batay sa pahayag ng suspek, nag-iinuman sila sa isang bahay nang biglang manggulo ang biktima. (Leo P. Diaz)
Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25