KRIS Aquino and Derek Ramsay

HINDI lang pala tatlong producers ang maghahatihati sa pelikulang pagsasamahan nina Kris Aquino at Derek Ramsay dahil kasama rin ang K Productions ng Queen of Talk.

Yes, Bossing DMB, kamakailan lang namin sinulat ang sinabi ni Kris na hindi muna siya gagawa ng pelikula dahil mas priority niya ang kanyang health dahil masyado raw siyang napagod nang gawin nila ang Feng Shui 2.

Pero he to at wala pang isang linggo ay nakipag-meeting na ang KrisTV host kina Derek, Atty. Joji Alonso (Quantum Films) at Roselle Monteverde-Teo (Regal Entertainment) para sa gagawin nilang pelikula.

National

Ex-Pres. Duterte, nagsalita hinggil sa umano'y 'polvoron' video ni PBBM

Nu'ng unang dinig namin ay Regal at Quantum Films lang ang magpoprodyus nita pero dahil nakakontrata si Kris sa Star Cinema ay co-producer din ang nangungunang movie outfit ngayon at dahil may sarili na ring production outfit ang Queen of All Media ay papayag ba naman siyang hindi sumosyo sa pelikula nila ni Derek? Kaya pumasok din ang K Productions.

Sa madaling salita, okay na si Derek sa ABS-CBN dahil kasosyo na ang Star Cinema sa pelikula nila ni Kris.

"Yes, LOVE LOVE LOVE na ng ABS( -CBN) si Derek, #nagmoveonna."

Ito ang sagot sa amin ni Kris nang tanungin namin sa pamamagitan ng text message tungkol sa balik-Star Cinema ng aktor.

Tinanong din namin siya kung kailan mag-uumpisa ang shooting at kung kailan ang target playdate.

"No details yet, Direk Chris Martinez is still working on the script," mabilis na sagot ni Kris.

Excited na ang kanilang grupo sa pelikula ka ya isa marahil sa hiniling ni Kris sa kanyang panalangin na maging smooth but sure ang takbo ng career niya.

Samantala, muling sinubok ng ibang taong walang magawa ang pagiging ina ng Queen of All Media dahil sinabihan ng hindi maganda ang bunsong anak niyang si Bimby.

Sinagot ni Kris ang mga burna tikos kay Bimby sa propesyonal na paraan at tama nga naman siya, dapat lumaban nang harapan ang mga taong walang magawa. Kung anak din ninyo ang pinagsalitaan ng hindi maganda, ana ang magiging reaksiyon nila?

Humingi ng dispensa ang nang-bully online kay Bimby at tinanggap naman ito ni Kris, pero nabura na sa IG account niya ang nasabing usapan.