PAALAM, Lolo Kiko. goodbye na sa iyo, mahal naming Pope Francis. Ang puso at isip ng mga Pilipino ay kasama mong maglalakbay pabalik sa Rome matapos ang liimang na pananatili sa Pilipinas na bahagi ng iyong apostolic trip. Mabuhay ka, Pope Francis!

Tatlong Papa na ang dumalaw sa Pilipinas sapul noong 1970s, 1981-1995 at 2015. Sila ay sina Pope Paul VI, Pope John Paul II at ngayon ay si Pope Francis, ang dating Cardinal Jorge Mario Borgoglio ng Argentina. Si Pope Francis ay kilala sa kababaang-loob, ayaw ng karangyaan o pagpapasikat. Mapalad ang Pinas sa pagdalaw ni Pope Francis at ng dalawa pang Papa. Sana ay subaybayan nila ang tanging bansang Katoliko sa Asia na ngayon ay may 100 milyon nang populasyon, kasama ng mga Muslim, lumad, mangyan, badjao at iba pang katutubo mula sa Cordillera, mga Aeta, at iba pa.

Dahil sa taglay na karisma ni Pope Francis, naniniwala si dating Supreme Court Chief Justice Reynato Puno na siya ang magiging susi sa paglutas sa maraming problema at karahasan sa daigdig. Si Puno na lider ng grupong protestante na Philippine Bible Society, ay isa sa 10 religious leader na nakipagpulong sa Papa sa University of Santo Tomas. Bukod sa kanya, inimbitahan din at nakipag-diyalogo ang mga lider ng Muslim, Jewish, Hindu, Buddhist, evangelical orthodox at Katoliko.

Binanggit ni Puno ang taglay na impluwensiya ni Lolo Kiko bilang lider ng may 1.2 bilyong Katoliko sa buong mundo. Sabi niya: “The Pope is a servant-leader who can really contribute to the mitigation of the worsening problems of the world.”

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Mukhang matutuloy na ang pinakahihintay na sagupaan nina Floyd Mayweather at Manny Pacquiao. Pumayag na si Pacman sa lahat ng kondisyon ni Mayweather, kabilang na ang hatiang premyo na 60-40 pabor sa US boxer, drug test atbp.

Sa South Korea nang dumalaw si Pope Francis doon, gumamit lang ng chalk na pangguhit ang gobyerno roon bilang barriers at ito ay sinunod ng mga Koreano. Sa Pinas kong mahal, kailangan pang maglagay ng mga bakal na barriers upang hindi daluhungin ng mga Pinoy ang Papa. Disiplina, disiplina.