Jamie Rivera,

HINDI mailarawan ni Jamie Rivera ang kanyang naramdaman sa pag-awit niya ng We Are All God’s Children sa harap ni Pope Francis sa Meeting with the Families na ginanap sa Mall Of Asia Arena sa Pasay City nitong Biyernes.

“Siyempre ninenerbiyos ako! Ang saya namin nung mga bata. Enjoy lang kami. Tsaka we’re very grateful and we feel so blessed,” kuwento ni Jamie sa panayam sa kanya ng Bandila ng ABS-CBN noong Biyernes ng gabi.

Bukod sa napakasaya niya sa pagkakataong umawit sa harap ng Papa, higit na naging espesyal para kay Jamie na nagawa niyang maiparating kay Pope Francis ang mensahe ng awiting isinulat niya.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

“Nakikita ko kasi, tinatranslate ni (Archbishop Luis Antonio) Cardinal Tagle (sa kanya). Natutuwa ako. Ibig sabihin naiintindihan ng Santo Papa ’yung kinakanta ko,” sabi ni Jamie.

At mayroon din siyang personal encounter sa Papa. “Masaya siyempre! Akyat daw [sa entablado], eh ! Parang, ‘Tara akyat tayo, akyat daw eh,’” kuwento ni Jaime. “Nagpapasalamat ako kasi nakaakyat ako, nakapagmano ako sa kanya, at the same time nakapagmano ’yung mga bata na kasama ko.”

Higit pang natuwa si Jamie sa nasabing pambihirang oportunidad nang inabutan siya ng mga stampita ng mga aide at mga kasamang pari ng Papa. “I think blessed ng Santo Papa ’yun. Pinamigay ko sa mga bata.” Paano na lang ang plano niyang mag-selfie kasama si Pope Francis?

“Hindi ko na naisip ’yun,” sabi ni Jamie. “Tsaka parang awkward namang magpa-selfie ‘di ba? Hindi tama kasi liturgy ’yun eh, so hindi maganda. Okay na ’yun, na nagmano ako sa kanya, okay na ko dun.” (Pau Aguilera)