JAKARTA, Indonesia (AP) — Hindi pinakinggan ng Indonesia ang mga last-minute appeal ng mga banyagang lider at binitay sa pamamagitan ng firing squad ang anim katao, kabilang ang limang banyaga, na hinatulan sa drug trafficking, nagpaabot ng mensahe na ang bagong gobyerno ay hindi ikokompromiso ang paninindigan laban sa droga.

Apat na kalalakihang mula sa Brazil, Malawi, Nigeria at Netherlands at isang babaeng Indonesian ang binaril hanggang mamamatay paglagpas ng hatinggabi noong Sabado, ilang kilometro mula sa high security prison sa Nusakambangan island. Ang isang babaeng taga-Vietnam ay binitay sa Boyolali, ayon kay Attorney General Office’s spokesman Tony Spontana. Kapwa sa mga lugar sa Central Java province.
National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!