Sa hangaring makakuha ng maayos na puwesto, nagkasakitan ang ilang deboto na naghihintay na makapasok sa Quirino Grandstand sa Luneta, para sa misa ni Pope Francis kahapon ng hapon.

Bandang 5:00 ng madaling-araw pa lamang ay dagsa na ang mananampalataya na pumila sa Ma. Orosa, sa U.N. Avenue, para makapasok sa Quirino Grandstand pero dahil marami ang naghahangad na makakuha ng magandang puwesto ay nagkatulakan ang mga ito na nauwi sa bahagyang gulo at sakitan.

Maging ang mga bakod na inilagay ng mga awtoridad at ang metal detector na ginagamit sa inspeksyon ng mga papasok sa grandstand ay nasira na rin dahil sa nangyaring gulo na hindi na nakayang i-kontrol ng mga itinalagang tauhan ng Philippine National Police (PNP).

Halos 20 deboto ang nasaktan at ilang buntis at matatanda ang hinimatay habang ang ibang bata ay nawalay sa kanilang mga kasama.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Dahil dito, bumuo na ng human barricade ang mga awtoridad at ilang volunteers para sa maayos na daraanan ng mga tao.