Mas pinaigting ng Brooklyn Nets ang diskusyon para sa trade na katatampukan ng center na si Brook Lopez at nais nila itong mangyari sa lalong madaling panahon, sinabi ng league sources ng Yahoo Sports.

Ang Nets, Oklahoma City Thunder at Charlotte Hornets ay nag-umpisa nang mag-usap tungkol sa isang three-way trade noong Biyernes. Para sa Nets, ang pinakamalaking balakid ay ang kanilang pagpayag na kunin ang guard ng Charlotte na si Lance Stephenson, ayon sa sources.

Ang Oklahoma City ang pinakaagresibo sa paghabol kay Lopez, sinabi ng mga source sa Yahoo Sports. Sinubukan ng Brooklyn na makakita ng koponan na payag igalaw ang papatapos nang kontrata ni Kendrick Perkins para sa isang established player, sabi pa ng sources.

Ipinaabot ng Nets sa mga koponan na nais nilang maselyuhan ang trade sa susunod na weekend.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Inilatag ng Denver ang package para sa sentrong si JaVale McGee, ngunit ang kanyang palagiang problema sa injuries ang nagpatabang sa interes ng Nets, ayon sa sources. Inialok naman ng Miami ang ideya ng isang package na kabibilangan nina Chris Andersen, Norris Cole at Josh McRoberts. Dagdag ng source, nagpakita rin ng interes ang Los Angeles Lakers.

Malakas ang interes ng Hornets na maisara ang deal para kay Lopez, ngunit naniniwala ang league sources na nakapokus ang Nets na maipadala si Lopez sa Western Conference.

Kumakalap din ng impormasyon ang mga opisyal ng Brooklyn tungkol kay Stephenson at tinitimbang kung sulit ba na maibalik siya sa kanyang hometown.

Ang Nets ay mayroong tatlong maximum-contract salaries sa kanilang roster, sina Lopez, Deron Williams at Joe Johnson, at pursigido na mapakawalan ang dalawa sa tatlo bago ang deadline sa Pebrero 19, sabi ng mga source. Natalo ang Brooklyn ng pitong sunod na laro upang malaglag sa 16-23, at itinutulak ng may-aring si Mikhail Prokhorov na maibenta ang koponan. - Yahoo Sports