WASHINGTON (AP)- Nagsalansan sina Brook Lopez at Jarrett Jack ng tig-26 puntos kung saan ay tinapyas ng Brooklyn Nets ang seven-game losing streak matapos ang 102-80 panalo kontra sa Washington Wizards kahapon.

Kinuha ng Brooklyn ang kontrol sa third quarter, na-outscore ang Washington, 28-18, upang kunin ang 71-58 lead makaraan ang tatlong yugto.

Umiskor si Lopez, naging usap-usapan sa ‘di mabilang na trade, ng 11 puntos sa loob lamang ng 2 1/2 minuto sa ikatlong yugto kung saan ay tuluyan nang kinuha ng Nets ang kontrol sa laro. Inasinta nito ang unang 8 puntos sa Brooklyn sa fourth quarter kung saan ay naikasa nito ang 20 sa 21 puntos sa second half. Nagtala si Jack ng 19 sa kanyang 26 puntos sa huling dalawang quarters.

Nagposte si John Wall ng 13 puntos habang nag-ambag si Kris Humphries ng 12 para sa Wizards.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang panalo ng Nets ang sumira sa unang pakikipagtagpo ng Brooklyn na nasa hanay si Kevin Garnett kay Paul Pierce ng Washington. Sina Garnett at Pierce ay magkasamang naglaro ng anim na seasons sa Boston at Nets noong nakaraang taon.

Nagyakapan sina Garnett at Pierce bago ang laro at nagtapikan nang una silang luminya sa free throws.

Ipinoste ni Pierce ang 8 puntos habang mayroon si Garnett ng 4 puntos.

Nagbalik si Garnett matapos na ‘di nakita sa aksiyon noong Huwebes dahil sa suspension, ito’y nang untugin sa ulo ni Garnett si Dwight Howard.

Hindi magtatagal ang ikalawang pagtatagpo ng dalawang koponan dahil muli silang magtutuos ngayon sa Brooklyn.

TIP-INS

Nets: Hindi papansinin ni coach Lionel Hollins ang pakikipagharap ngayon sa Washington. ''I hate it. It's a little like the playoffs. Play one and go on to another.'' ... Ang seven-game losing skid ng Nets ang kanilang pinakamahaba matapos ang eight-game losing streak noong Pebrero 2012.

Wizards: Tinawagan si Pierce ng flagrant 1 foul sa huling bahagi ng fourth quarter nang ipitin nito si Bojan Bogdanovich habang isasagawa nito ang kanyang basket. . Naitakda ang season lows sa puntos at greatest margin ng pagkatalo sa sariling tahanan.