Sumadsad ang private plane na sinasakyan ni Executive Secretary Paquito Ochoa at 10 iba pang opisyal ng gobyerno sa Daniel Z. Romualdez Airport sa Tacloban City, kahapon.

Nangyari ang insidente ilang minuto matapos makaalis ang eroplano ni Pope Francis patungong Maynila sa kasagsagan ng ulan dakong 1:00 ng hapon kahapon.

Ayon sa inisyal na ulat, ligtas ang lahat ng pasahero ng Bombardier Global Express plane.

Bukod kay Ochoa, ang iba pang sakay ng eroplano ay sina Communications Secretary Herminio Coloma, Interior and Local Government Secretary Mar Roxas, dating Armed Forces Chief of Staff retired Gen. Emmanuel Bautista, at Rep. Josephine Lacson-Noel.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Hinala ng mga opisyal ng paliparan na sumabog ang gulong sa harap ng eroplano, dahilan para mawalan ng kontrol ang piloto sa sasakyan kaya sumadsad ito sa dulo ng runway. - Elena Aben