“Hindi kayo pinabayaan ng Panginoon.”

Ito ang tiniyak ni Pope Francis sa kanyang mensahe para sa mga survivor ng super typhoon ‘Yolanda’ sa Leyte, killer quake sa Bohol, at iba pang kalamidad na tumama sa bansa, sa idinaos na misa sa Tacloban City sa kabila ng pabugsu-bugsong ulan.

Hindi napigil ng mga survivor na mapaluha dahil sa makabagbag-damdamin at mula sa pusong homiliya ng Papa sa misa na idinaos sa Daniel Romualdez International Airport.

Bagamat sa salitang Kastila, ang homiliya ng Papa ay isinalin sa English upang higit na maunawaan at maisapuso ng mamamayan.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

“Jesus understands because he also underwent all the trials you have also underwent,” anang Papa. “Jesus never lets you down.”

Tiniyak din ng Papa na kaisa at nakikisimpatiya siya sa libu-libong survivor at sa kabila ng nangyari ay hindi sila kailanman aabandonahin ni Hesus.

“Let us look to the Christ on the cross. He understands us because he endured everything. Let us look to our Mother, Mary, and like that little child, let us grab hold of her mantle, and with a true heart, say, ‘Mother,’” anang Papa, na kilalang deboto ng Inang Maria.

Ikinuwento rin ni Pope Francis sa mga survivor kung paanong naramdaman niyang kailangan niyang makita ang mga ito at dalawin ang Leyte nang masaksihan sa telebisyon ang kapahamakang dinanas ng mga ito.

“I’d like to tell you something close to my heart. When I saw from Rome the catastrophe, I felt that I had to be here, and on those very days I decided to come here. I am here to be with you. And though late, I have to say, I am here. I come to tell you that Jesus is Lord. And He never lets us down,” pahayag pa ng Papa, sanhi upang tuluyan nang maluha ang mga dumalo sa misa.

Ikinumpara rin ni Pope Francis ang pagdurusa ng mga Yolanda victim sa mga pagsubok at pagdurusang dinanas ni Hesus.

“Jesus was similarly tested in every way yet lived without sin. Jesus is like us,” aniya.