Labis na ikinagalak ng mga netizen ang paggamit ng Filipino ni Pope Francis sa kanyang Twitter account na @Pontifex.

Ang mga tweet ng Santo Papa ay tungkol sa pakikihalubilo niya sa mga batang lansangan sa Tulay ng Kabataan matapos ang isang misa sa Manila Cathedral, at kahalagahan ng pamilya matapos ang kanyang Meeting with Families sa Mall of Asia Arena nitong Biyernes.

Ilan sa mga tweet ng Santo Papa ay: “Ang Pilipinas ay patunay ng kabataan at kasiglahan ng Simbahan,” at “Ang pamilya ay ang pinakamahalagang kayamanan ng isang bansa. Nawa’y pagsikapan nating ipagtanggol at patatagin itong pundasyon ng lipunan.”

Ikinatuwa naman ito ng mga netizen kaya’t nagpasalamat sila sa Papa.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“Thank you pope francis! We love you!!! @pontifex,” ayon kay @iamjackymedina.

“Tunay na rockstar ka, #DearPopeFrancis!” ayon naman kay @jrencarnado. “@Pontifex we love you thank you for coming in our country,” tweet naman ni @

xhemmongous.

“Wow! ‘@Pontifex: Ang Pilipinas ay patunay ng kabataan at kasiglahan ng Simbahan’,” pahayag naman ni @cmpfigueroa.

Nauna rito, matapos ang misa sa Manila Cathedral ay hindi binigo ni Pope Francis ang mga dating batang lansangan na nais ding makaharap siya sa kanyang pagbisita sa bansa.

Kinumpirma ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na nagkaroon ng pribadong pakikipagkita ang Papa sa mga dating batang lansangan mula sa Tulay Kabataan, isang non-governmental organization (NGO) na nangangalaga sa mga paslit sa kalye at mahihirap na bata.