Ito ang ikatlong bahagi ng ating paksa tungkol sa kung paano matatamo ang mas mainam na ikaw. Kahapon tinalakay natin na kailangang kalagan mo na ang iyong sarili sa tanikala ng mapait na kahapon at mag-move on ka na sa kinabukasan. Ipagpatuloy natin...

  • Umangkop sa mga bagong normal. - Kahit sa panahon ngayon, may mga bagay na hindi natin gusto. Boss na halimaw ang ugali, mga kasamang nagmula sa impiyerno, masasakit na batikos ay maaaring magpahirap ng ating kalooban. Buti na lang, marunong taying bumagay. Kapag nilabanan mo nag pagbabago, talo ka. Gustuhin mo man o hindi, mangyayari ang pagbabago. Sa halip, sumama ka sa agos at tingnan kung saan ka tatangayin nito. Kahit alam mong walang idudulot na mabuti iyon, matututuhan mo rin ang umangkop at magagawa mo ang iyong gusto. Ang mahalaga ay ang kakayahan mong umangkop sa pagbabago nang hindi nawawala ang tunay mong pagkatao pati na ang iyong mga prinsipyo. Sapagkat pinananatili mong ikaw ang nasa sentro ng mga pagbabago, maaari kang matuto sa mga itinuturing nang normal ng makabagong panahon.
  • Ngayon na ang panahon. - Tama lang ang tumanaw sa hinaharap pero hindi dapat palabuin niyon ang kasalukuyan. Ngayon na ang panahon upang sundan ang iyong mga pangarap at maging mas mainam na ikaw. Mahirap na isantabi ang suliranin ng kakapusan ng pera, kakulangan sa edukasyon, atbp. sapagkat malamang na hindi na mawawala ang mga iyon. Maaaari ngang mag-ipon ka ng pera at mag-aral at mangarap buong buhay mo ngunit wala ka namang naa-accomplish. Sa halip, gawin mo nang realidad ang iyong mga pangarap ngayon. Kahit isang hakbang isang araw ay isang hakbang papalapit sa iyong tagumpay. At habang nakikita mo na ang papalapit na tagumpay, naroon ang pakiramdam na nagiging mas mainam ka na kaysa dati.
  • Probinsya

    Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

  • Magkaroon ng masayang lugar. – Ito ang lugar kung saan may kapayapaan, may proteksiyon, may kaligayahan. Hindi ito kailangang isang silid. Halimbawa, nakagiliwan mong maupo sa damuhan sa parke o sa isang upuang bato sa bakuran ng paborito mong simbahan kung saan maginhawa kang nakapagbabasa ng nobela o gumawa ng assignment sa eskuwela. Hanapin ng ano mang nagpapasaya sa iyo at maglaan ng oras araw-araw upang ma-enjoy mo iyon. Mas makaiisip ka nang mabuti at magkakaroon ka ng mas malinaw na pananaw sa buhay.

Tatapusin bukas.