BAGHDAD (AFP) – Itinaas ng binatilyo ang hawak na baril, itinutok sa dalawang nakaluhod na lalaki at pinaputok iyon, sa isang nakagigimbal na propaganda video na nagbibigay-diin sa pagsisikap ng Islamic State na himukin ang bagong henerasyon nsa brutal na ideolohiya ng grupo.

Ang binatilyo, na tinatayang nasa edad 11 o 12, ang umano’y pumatay sa dalawang lalaki na sinasabing umamin na nag-espiya para sa Russia, at sinabi ng voiceover na ang mga bangkay “lay humiliated” sa paanan ng batang jihadist.

Hindi makumpirma ang sinapit ng dalawang lalaki.

Nang tanungin sa isa pang video kung ano ang nais gawin ng binatilyo sa hinaharap, sinabi ng bata: “I will be the one who slaughters you, O kuffar (unbelievers). I will be a mujahed (holy warrior).”

National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm

Ang video ay isa lang sa maraming halimbawa ng propaganda na layuning palaganapin ang paniniwala ng IS sa kabataan para maparami pa ang miyembro ng grupo.