Kris Aquino

AGAD na dinepensahan ni Kris Aquino ang anak na si Bimby sa online bullies na nagko-comment na “gay” daw ang child superstar.

Nagpupuyos sa galit nitong nakaraang Friday ang Queen of All Media nang may tumawag ng “toyab” sa 7 year-old niyang bunso.

Ang “toyab” ay salitang Bisaya o pabaligtad na salitang “bayot”, na “bakla” ang kahulugan sa Filipino.

National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm

Lumitaw ang comment na ito ng madlang pipol pagkatapos i-post ni Kris ang birthday greetings ni Bimby kay Alex Gonzaga. Galit na pahayag ni Kris sa online bashers ng anak, “Alam n’yo, kung balak n’yong bastusin ang anak ko, do it nang harap-harapan. Kasi hindi ko kayo aatrasan. Super nag-pray ako today.”

Dahil nga sa pagdating ni Pope Francis.

Dagdag pa ni Kris: “Pero kahit sinong nanay kung anak niyang 7 years old ang aapihin, papatol at handang RUMESBAK!” mensahe ni Kris sa kanyang post.

To the rescue naman ang showbiz friends ni Kris at pinapakalma siya.

Ayon pa sa first sister, ginagawa lamang niya ang gawain ng isang nanay, ang protektahan ang anak ‘pag inaagrabyado na.

“If I ignore, I’m not doing my job of protecting my son. Ang DUWAG, eh,” sey ni Kris sa online bashers ng anak.

Agad din namang may nag-react sa post ni Kris. Isa sa netizens, @ iammalvindajeros, ang humingi ng apology kay Kris.

“Apology accepted,” agad ding sagot ni Kris.

Pero pahabol niya sa nasabing netizen, “But please don’t bully a 7 year-old who was just greeting a person we’ve come to love happy birthday.”

Many times sinabi na ni Kris na maaari siyang pintasan sa ibang aspeto ng buhay niya, pero bilang ina ay ibinibigay niya ang lahat para sa kapakanan ng mga anak niya.