KALIBO, Aklan - Opisyal na inilabas ng Makato Parish sa Aklan ang imahen ng Sto. Niño the Carpenter bilang bahagi ng sariling selebrasyon ng Ati-Atihan Festival (Enero 10-15) ng simbahan.

Ayon kay Fr. Emmanuel Mijares, deputy parish priest ng Sto. Niño Parish, inilabas nila ang imahen para sa Year of the Poor.

Ang imahen ay kumakatawan kay Hesukristo bilang anak ni San Jose, o Saint Joseph the Carpenter. Bilang karpintero, aniya, puwedeng maging inspirasyon ng imahen ang pagpapanumbalik ng mga relasyon, pagbangon ng mga komunidad na napinsala ng kalamidad, at pagtulong sa kapwa.

Pag-aaralan ng Makato Parish ang magiging reaksiyon ng publiko sa imahen at kung mas marami ang makatatanggap nito ay posibleng ito na ang maging permanenteng imahen ng Makato Parish.
National

Mula magnitude 5.9: Lindol sa Southern Leyte, ibinaba sa magnitude 5.8