ISANG masaganang taon ang 2014 para sa GMA International dahil sa tagumpay ng Kapuso events na tinampukan ng Kapuso stars sa iba’t ibang bansa.

“More than providing quality programs and services through our international channels, these events are an opportunity for our artists to interact with the viewers, which is integral to extending the Kapuso experience to our audience overseas,” pahayag ng GMA Vice President for International Operations na si Joseph T. Francia.

Sa unang bahagi ng taon, dinaluhan ng Kapuso stars ang iba’t ibang selebrasyon para sa taunang pagdiriwang ng Philippine Independence Day.

Nakibahagi ang mga Kapuso artist na sina Dingdong Dantes, Heart Evangelista, Tom Rodriguez, Geoff Eigenmann, Julie Anne San Jose, Gladys Guevarra, at Lovi Poe sa iba’t ibang pagdiriwang sa US, Canada at Kuwait.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ipinagdiwang din ng GMA ang kulturang Pilipino kasama sina Benjamin Alves at Steven Silva sa Flores de Mayo Festival sa Hawaii at nagtanghal naman si Jaya sa third Vancouver OPM Festival sa Canda.

Naghatid din ng isang libo’t isang tuwa sa Canada ang Eat Bulaga live in Toronto concert na pinangunahan nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon kasama sina Pauleen Luna, Ruby Rodriguez, Jimmy Santos, Allan K., Julia Clarete, Keempee de Leon, ang “Sugod Bahay Gang” nina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros kasama pa si Ryzza Mae Dizon.

“Through our continued presence abroad, GMA hopes to remain instrumental in cultivating the Filipino spirit outside our home country,” paliwanag ni Francia.

Nakisaya rin ang Kapuso stars sa Los Angeles, Dubai at Singapore para sa pinakaabangang Kapuso Pinoy concert series.

Sina Carla Abellana at Tom Rodriguez ang nagtanghal sa sold-out concert na Kapusong Pinoy sa LA kasama sina Julie Anne San Jose, Miguel Tanfelix at Betong Sumaya.

Sinundan ito ng matagumpay ding Kapusong Pinoy sa Dubai na tinampukan naman ng Kapuso Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, at si Julie Anne San Jose sa Global Village.

Nagtapos ang concert series sa isinagawang tribute para sa mga loyal Kapuso fans abroad. Tampok si Dennis Trillo kasama si Jonalyn Viray at si Betong sa Singapore.

Sa pagpasok ng panibagong taon, papanatilihin ng GMA International ang paghahatid ng serbisyo sa kanilang overseas audience upang maging tulay ng mga Pilipino abroad dito sa bansa.

Para sa mga updates sa mga artista, programa, international channel at event ng GMA Network, bisitahin lamang ang website www.gmanetwork.com/international, Facebook pages www.facebook.com/GMAPinoyTV, www.facebook.com/gmalifeTV at www.facebook.com/gmanewsinternational, Twitter pages @gmapinoytv, @gma_lifetv, @gmanewstvintl at Instagram account @gmapinoytv.