Tuloy ang kalakalan sa stock market sa Lunes sa kabila ng pagkadeklara bilang special non-working holiday bunsod ng pagbisita ni Pope Francis, inanunsyo ng Philippine Stock Exchange.
“Trading will resume on Monday (Jan. 19),” abiso ng PSE.
Inihayag din ng Bangko Sentral ng Pilipinas na bagama’t sarado ang mga bangko, tuloy ang serbisyo ng Philippine Payments and Settlements Susytem o PhilPaSS sa Lunes, upang mabigyan daan ang transaksyon sa malaking halaga sa pagitan ng mga bangko at central bank. Bukas din ang ATM services, ayon pa BSP.
Idineklara ng Malacañang na holiday ang Enero 15, 16 at 19 dahil sa pagdalawa ng Papa sa Pilipinas.
Naiulat na nailista ang record high sa stock market nang magsara noong Miyerkules nang maitala ang 7,490.88 puntos, bunga ng pagbaba sa presyo ng langis at pagganda sa inflation rate.