BEIJING (AP) – Kinumpirma kahapon ng awtoridad na 22 katao ang nasawi sa paglubog ng isang tugboat na kinalululanan ng isang international team na nasa test voyage sa silangang China.

Apat na Singaporean, isang Indian, isang Indonesian, isang Japanese at isang Malaysian ang kabilang sa mga nasawi sa aksidente sa Yangtze River, at ang 14 na iba pang biktima ay pawang Chinese, ayon sa Xinhua News Agency.

Ang bagong gawa, 30-metrong haba na Wanshenzhou 67 ay nasa test voyage nitong Huwebes sa Fubei Channel ng ilog sa lalawigan ng Jiangsu nang bigla itong tumaob.
National

Rep. Roman, dismayado sa pahayag ni VP Sara: ‘We should not equate being gay with being weak!’