KABUL (AFP) – Kinondena kahapon ni Afghan President Ashraf Ghani ang desisyon ng French magazine na Charlie Hebdo na maglathala ng cartoon ni Prophet Mohammed sa pabalat nito kasunod ng madugong pag-atake ng mga armadong Islamist sa tanggapan ng babasahin.

Tinuligsa ni Ghani ang cartoon bilang “an insult to the sacred religion of Islam and the Muslim world”, saad sa pahayag mula sa presidential palace.

Ginalit ng bagong pabalat ng satirical magazine ang maraming Muslim sa mundo, at nagbunsod ng mga kilos-protesta mula sa Pakistan hanggang sa Niger, dahil ang anumang paglalarawan kay Mohammed at labis na ipinagbabawal sa Islam.

“President Ghani on behalf of the Afghan nation condemns this insulting act, and termed it desecrating the religious values,” anang palasyo.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente