KABALIGTARAN sa karakter niya bilang Diana sa The Half Sisters, gaganap na bully si Barbie Forteza sa isang romantic drama mainstream-indie (maindie) film na #Ewankosau Saranghaeyo. Kasama niya sa movie sina Francis Magundayao, Jon Lucas at Elisse Joson.

Barbie FortezaGagampanan ni Barbie ang character ni Calixta “Kai” Luna, ang sikat na bully sa school, at avid K-Pop fan na mayaman ngunit naghahanap ng atensiyon at pagmamahal. Mas gusto ni Kai na mapag-isa at gamitin ang kanyang oras para magpinta.

Kuwento ni Barbie, nanibago siya sa character niya, pero happy rin siya dahil marami siyang bagong experience. Nagkaroon siya ng chance na i-explore pa ang kanyang acting skills.

“Naging challenge sa akin ng konti na kinailangan kong matuto ng konting Korean. Siyempre kasi dapat, tama ‘yung pronunciation,” sabi ng 2014 Cinemalaya Best Supporting Actress.

IPOPHL's, nag-react sa mathematical discovery ng guro sa Quezon

Inihayag din niya na marami siyang natutuhan maging sa character niya sa pelikula.

“May dahilan kung bakit nagiging bully ang ibang tao. That’s how they get attention, kasi deep inside they feel alone kaya nila nagagawa ‘yun. Marami pa silang matutuklasang realidad sa aming pelikula about school and teen-age life.”

Sa direksyon ni Roman Perez, mapapanood ang #Ewankosau Saranghaeyo sa Jan. 21.