Bantay-sarado ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang isang barangay sa Guindulunga, Maguindanao makaraang salakayin ng may 30 armadong miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) upang ipaghiganti ang pagpatay sa isang kaanak noong Biyernes ng gabi.
Ayon sa 6th Infantry Division, isang national guard ng MILF na kinilalang si “Kumander Kayob” ang nanguna sa pagsalakay.
Batay sa salaysay ni Midtimbang Kamsa, chairman ng Barangay Macasampan, sinabi ni Capt. Joan Petinglay, tagapasalita ng 6th Infantry Division, target umano ni Kumander Kayob ang grupo ni Mastura Tula.
Pinaputukan ng grupo ni Kumander Kayob ang dalawang bahay at ang mini gocery na pag-aari ng isang Rasul Unas.
Pinaghahanap ng pulisya at militar si Tula na itinuturong suspek sa pagpatay sa kaanak ni Kayob na si Haji Silongan, sa Bgy. Kalimames, halos tatlong buwan na ang nakalilipas.
Walang inulat na nasaktan sa nasabing pag-atake, ayon sa militar