KINUMPIRMA ng isang source sa US Weekly na hiwalay na sina Adrienne Maloof, 53 at Jacob Busch, 25.

Base sa Time Magazine, na unang nag-ulat na hiwalay na ang dalawa, ang relasyon nila ay nagsimulang manlamig nang bumalik si Maloof saRHOBH, kasama si Busch bilang kanyang ka-date. (Nilisan niya ang palabas pagkatapos ng tatlong season noong 2013 ngunit muling bumalik upang ayusin ang ilang “unfinished situations,” pahayag niya sa US noong nakaraang summer.)

Matatandaan na unang nakita ng publiko sina Maloof at Busch noong Oktubre 2013 sa isang selebrasyon sa Hollywood. Makalipas ang ilang araw, nagsalita ang TV veteran sa Extratungkol sa kanila, at inilarawan niyang “lovely person” si Jacob.

“Both of our families have been in the spirits business for a long time, so he seems very familiar to me and comfortable,” saad ni Maloof. “He’s a cool guy.”

POGO dapat tuldukan na, kalampag ni Kiko kay PBBM sa SONA

Ngunit bago iyon, nakipag-date dati si Maloof kay Sean Stewart, anak ng rocker na si Rod Stewart. At ayon sa mga tagahanga, siya ay ikinasal plastic surgeon na si Dr. Paul Nassif at biniyayaan ng tatlong anak at nagsama ng 10 taon. Sila ay naghiwalay noong 2012. - Yahoo News/Celebrity